TED Talks with Tagalog transcript

Damon Horowitz: Pilosopiya sa loob ng bilangguan

TED2011

Damon Horowitz: Pilosopiya sa loob ng bilangguan
1,417,089 views

Si Damon Horowitz ay nagtuturo ng kursong pilosopiya sa pamamagitan ng Prison University Project, kung saan inilalapit ang mga pangkolehiyong klase sa mga bilango ng San Quentin Prison. Sa maikling talumpating ito, ikinuwento niya ang isang karanasan tungkol sa pagpili ng tama o mali na biglang naging personal.

Julian Treasure: 5 paraan sa mas mahusay ng pakikinig

TEDGlobal 2011

Julian Treasure: 5 paraan sa mas mahusay ng pakikinig
8,060,876 views

Sa mas umiingay na mundo, sabi ng eksperto sa tunog na si Julian Treasure, "Nawawala ang ating pakikinig." Sa maikli at kawili-wiling talumpating ito, may 5 paraang ituturo si Treasure upang matuto tayong hasain ang ating pakikinig -- sa ibang tao at sa mundong ginagalawan.

Matt Cutts: Sumubok ng bago sa loob ng 30 araw

TED2011

Matt Cutts: Sumubok ng bago sa loob ng 30 araw
12,215,040 views

May bagay bang para talaga sa'yo, at gustong-gusto mong gawin... ngunit di mo pa sinusubukan? Payo ni Matt Cutts: subukan mo sa loob ng 30 araw. Handog ng maikling talumpating ito ang isang paraan upang abutin ang iyong mga minimithi.

Sabay na tutugtog sila Robert Gupta at Joshua Roman ng "Passacaglia"

TED2011

Sabay na tutugtog sila Robert Gupta at Joshua Roman ng "Passacaglia"
896,041 views

Isang de-kalibreng pagtatanghal ng biyolinistang si Robert Gupta at tselistang si Joshua Roman tampok ang "Passacaglia" ni Halvorsen para sa biyolin at byola. Gamit ni Roman ang kanyang tselong Stradivarius upang tugtugin ang parte ng byola. Tunay na nakamamanghang panooorin ang ugnayan ng dalawang musikerong ito (na nakabawi mula sa panandaliang pagtigil sa gitna ng kanilang pagtatanghal). Kapwa TED Fellows ang dalawa, at ang kanilang malalim na ugnayan ang nagpapaalab sa kabigha-bighaning duet na ito.

Louie Schwartzberg: Ang natatagong ganda ng polinasyon

TED2011

Louie Schwartzberg: Ang natatagong ganda ng polinasyon
2,302,018 views

Polinasyon: kailangan ito ng buhay sa mundo, ngunit hindi gaanong nakikita ng ating mga mata. Ipinakita sa atin ni Louie Schwartzberg, isang direktor, ang kakaibang mundo ng mga bulaklak at insekto sa pamamagitan ng mga kahali-halinang litratong high-speed mula sa kanyang pelikulang "Wings of Life," na kanyang ginawa dahil sa pagkaubos ng pangunahing insekto sa polinasyon, ang honeybee.

Krista Tippett: Muling Pag-uugnay sa "Pakikiramay"

TEDPrize@UN

Krista Tippett: Muling Pag-uugnay sa "Pakikiramay"
803,629 views

Ang ating kahulugan sa salitang "pakikiramay" -- na madalas iniuugnay sa mga santo at maawain -- ay iba sa tunay nitong kahulugan. Sa isang talumpati sa TEDPrize@UN, ipinaliwanag ng mamahayag na si Krista Tippett kung ano talaga ang ibig sabihin ng pakikiramay sa pamamagitan ng ilang makababagbag-damdaming kuwento, at iminungkahi ang bago at mas malawak na kahulugan ng salitang ito.

Derek Sivers: Sarilinin muna ang layunin

TEDGlobal 2010

Derek Sivers: Sarilinin muna ang layunin
6,371,544 views

Madalas ang una nating reaksyon matapos makapag-isip ng magandang plano ay sabihin ito sa iba, ngunit sinasabi ni Derek Sivers na makabubuting itago muna ito. Ipinakita niya ang ilang pananaliksik na nagsimula noon pang 1920s tungkol sa pagkahilig ikuwento ang mga layunin na madalas ay hindi natutupad.

Adora Svitak: Ang matututunan ng mga matatanda mula sa mga kabataan

TED2010

Adora Svitak: Ang matututunan ng mga matatanda mula sa mga kabataan
6,022,458 views

Sabi ni child prodigy Adora Svitak, kailangan ng mundo ang mga "isip-bata": mga mapangahas na ideya, malayang pagkamalikhain, at lalung-lalo na ang positibong pananaw. Marapat bigyang pagpapahalaga ang malalawak na pangarap ng kabataan, at ito'y masisimulan sa pagnanais ng mga matatanda na matuto mula sa mga bata kaalinsabay ng pagtuturo sa kanila.

Lalitesh Katragadda: Paggawa ng mga mapa upang maalpasan ang kalamidad, bumuo ng ekonomiya

TEDIndia 2009

Lalitesh Katragadda: Paggawa ng mga mapa upang maalpasan ang kalamidad, bumuo ng ekonomiya
405,132 views

Matapos ang 2005, 15 na bahagdan lamang ng mundo ang naisamapa na. Dahil dito, mabagal ang pagbibigay-tulong matapos ang isang kalamidad -- at natatago ang potensyal pang-ekonomiya ng mga nakatiwangwang na lupa at nakatagong kalsada. Sa maikling talastasan na ito, ibinida ni Lalitesh Katraggada ng Google ang Map Maker, isang kagamitang pangguhit ng mapa na maaring gamitin ng kahit sinuman upang iguhit ang kanilang mundo.

Ang supercharged na disenyo ng motorsiklo ni Yves Behar

TED2009

Ang supercharged na disenyo ng motorsiklo ni Yves Behar
627,065 views

Inilahad ni Yves Behar at Forrest North ang Mission One, isang magarang motorsiklong de-kuryente. Ibinahagi nila ang kwento ng kanilang magkahiwalay (ngunit magkatulad) na kabataan at kung paano nagsimula sa pakikipag-ugnayan ang kanilang pagkakaibigan -- at ang kanilang pangarap.

Alex Tabarrok at ang paggamit ng ideya sa pagsugpo sa sakuna

TED2009

Alex Tabarrok at ang paggamit ng ideya sa pagsugpo sa sakuna
881,960 views

Napakahalaga ng "dismal science" sa talastasang ito, at tinataguyod ni Alex Tabarrok, isang ekonomista, ang malayang kalakalan at globalisasyon sa datiy' hati-hating mundo patungo sa iisang komunidad na malayang nagpapalitan ng mga ideya, na higit na malusog, masaya at masagana kaysa sa inaasahan natin.

Adam Grosser at ang kanyang sustainable fridge

TED2007

Adam Grosser at ang kanyang sustainable fridge
973,042 views

Ibinabahagi ni Adam Grosser ang tungkol sa proyektong pagbuo ng refrigerator na hindi ginagamitan ng kuryente, upang dalhin ang kagamitang ito sa mga barangay at paggamutan sa buong mundo. Sa kaunting pagkalikot ng makalumang teknolohiya, nailikha ang isang sistema na gumagana.

Ang ninuno ng wika ni Murray Gell-Mann

TED2007

Ang ninuno ng wika ni Murray Gell-Mann
944,446 views

Matapos magbigay ng talumpati tungkol sa kagilasan sa pisika, ang kamangha-manghang Murray Gell-Mann ay naghahandog ng pangkalahatang-ideya ng isa pang interes: ang paghahanap ng karaniwang ninuno ng ating mga makabagong wika.

Ang Walong Sikreto ng Tagumpay ni Richard St. John

TED2005

Ang Walong Sikreto ng Tagumpay ni Richard St. John
14,410,517 views

Bakit nagtatagumpay ang mga tao? Dahil ba sa talino? O sa suwerte? Wala sa dalawa. Pinaikli ni Richard St. John ang produkto ng napakaraming interview sa isang di pwedeng palampasing tatlong minutong slideshow tungkol sa totoong sikreto ng tagumpay.

Al Gore sa pag-iwas sa krisis sa klima

TED2006

Al Gore sa pag-iwas sa krisis sa klima
3,508,991 views

Gaya ng nakakatuwa at totoong pagpapahayag niya sa dokumentaryong An Inconvenient Truth, inisa-isa ni Al Gore ang 15 paraan na maari nating magawa sa pagtukoy sa krisis sa klima, simula sa pagbili ng hybrid na kotse hanggang sa paglikha ng bago at mas kaayaayang "pagkakakilanlan" sa global warming.