TED Talks with Filipino transcript

Bahia Shehab: Isang Libong Hindi

TEDGlobal 2012

Bahia Shehab: Isang Libong Hindi
1,138,104 views

Isang dalubhasa sa kasaysayan ng Sining si Bahia Shehab na matagal ng natutuwa sa Arabeng pamaraan ng pagsulat ng "hindi". Nang nagsimula ang rebolusyung himukin ang buong Egypt noong 2011, nagsimula siyang magpinta ng mga imahe sa mga kalsada na nagsasabing hindi na sa mga diktador, sa mga sundalong naghahari-harian at karahasan.

Marco Tempest: Mahiwagang kwento (pinagyamang realidad)

TED2012

Marco Tempest: Mahiwagang kwento (pinagyamang realidad)
1,467,228 views

Lumikha si Marco Tempest ng isang magandang kwento tungkol sa salamangka, kung paano tayo nito naaaliw, at paano nito pinapakita ang ating pagiging tao -- habang itinatanghal ang mga kakaibang ilusyon gamit ang kamay at isang makinang pinagyayaman ang realidad.

Jennifer Pahlka: Ang pag-code ng mas maayos na pamahalaan

TED2012

Jennifer Pahlka: Ang pag-code ng mas maayos na pamahalaan
929,902 views

Maaari bang patakbuhin ang gobyerno nang gaya sa Internet, na malaya at bukas? Naniniwala ang coder at aktibista na si Jennifer Pahlka na maari itong mangyari -- at sa tulong ng apps, na nilikha sa mabilis at murang paraan, naiuugnay ang mga mamamayan sa kani-kanilang pamahalaan -- at sa kanilang kapitbahay.

Susan Cain: Ang kakayahan ng mga "introverts"

TED2012

Susan Cain: Ang kakayahan ng mga "introverts"
25,516,646 views

Sa isang kultura na kung saan ang pakikipagkapwa at pagkadaldal ay mas kinilala kaysa ibang bagay, pwede ngang maging mahirap, o maging kahiya-hiya, para sa isang introvert. Pero sa pagtalakay ni Susan Cain dito sa kanyang talumpati, ang mga introverts ay marapat lamang na himukin lalo at kilalanin.

Kevin Allocca: Bakit sumisikat ang mga bidyo

TEDYouth 2011

Kevin Allocca: Bakit sumisikat ang mga bidyo
2,953,285 views

Si Kevin Alloca ang trends manager ng YouTube, at meron siyang mga malalalim na pananaw tungkol sa mga nakakatuwang bidyo sa Web. Sa panayam na ito na ginanap sa TEDYouth, ibinahagi niya ang apat na rason sa pagsisikat ng mga bidyo. (Ito ang unang talumpati na pinost mula sa napakagandang TEDYouth event. Madami pa ang mailalagay sa susunod na buwan bilang bahagi ng aming TED-Ed launch. Nasasabik na kami...)

Neil MacGregor: 2600 na taon ng kasaysayan sa iisang bagay

TEDGlobal 2011

Neil MacGregor: 2600 na taon ng kasaysayan sa iisang bagay
1,160,889 views

Isang silindro na putik na isang sulat sa Akkadian cuneiform, sira at wasak, and Cyrus Cylinder ay isang malaking simbolo ng pag-paparaya sa relihiyon at pagtanggap sa iba't ibang kultura. Sa isang nakakabighani na pagtalakay ni Neil MacGregor, isang direktor sa Museo ng Britanya, na nagbakas sa 2600 na taon ng kasaysayan sa Gitnang Silangan sa iisang bagay.

Ang pagkilos ng nagwaging sensya ng mga tinedyer

TEDxWomen 2011

Ang pagkilos ng nagwaging sensya ng mga tinedyer
1,029,643 views

Noong 2011, tatlong batang babae ang naghakot ng matataas na premyo sa kanunaunahang Google Science Fair. Sa TEDxWomen, sina Lauren Hodge, Shree Bose at Naomi Shah ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa kanilang ekstraordinaryong proyekto -- at ang kanilang daan tungo sa kanilang pagkahilig sa syensya.

Monika Bulaj: Ang nakatagong liwanag ng Afghanistan

TEDGlobal 2011

Monika Bulaj: Ang nakatagong liwanag ng Afghanistan
669,507 views

Inilahad ng litratistang si Monika Bulaj ang ilang marurubdob at nakakaantig na mga larawan ng Afghanistan -- ang mga tahanan, mga ritwal, mga kalalakihan at kababaihan. Sa likod ng mga balita, ano nga ba talaga ang alam ng mundo tungkol sa lugar na ito?

Pamela Meyer:  Paano kilalanin ang isang sinungaling

TEDGlobal 2011

Pamela Meyer: Paano kilalanin ang isang sinungaling
28,415,176 views

Tayo'y pinagsisinungalingan nang mula 10 hanggang 200 beses sa loob ng isang araw, at ang mga palatandaan ng kasinungalingan ay mahirap mabatid at taliwas sa ating nalalaman. Itinatalakay ni Pamela Meyer, ang may-akda ng "Liespotting" o "Paano kilalanin ang isang sinungaling," ang iba't ibang kilos at "hotspot" na tumutulong sa mga eksperto upang tukuyin ang panloloko -- at kanyang pinananaligan na ang katapatan ay isang kaugalian na dapat pangalagaan.

Misha Glenny: Bigyang trabaho ang mga hackers!

TEDGlobal 2011

Misha Glenny: Bigyang trabaho ang mga hackers!
1,438,902 views

Sa kabila ng bilyon-bilyong dolyares na puhunan sa cybersecurity, isa sa mga nakaugat na problema ay hindi lubos napapansin: sino ang mga taong nagsusulat ng malisyosong code? Isa-isang tinukoy ng imbestigador na si Misha Glenny ang ilang coders mula sa iba't ibang panig ng mundo na nahatulan na sa korte, at inilahad niya ang isang kagulat-gulat na konklusyon.

Mikko Hypponen: Paglaban sa viruses, pagtatanggol ng net

TEDGlobal 2011

Mikko Hypponen: Paglaban sa viruses, pagtatanggol ng net
1,847,520 views

25 taon na ang nakalilipas mula ng tamaan ang net ng unang PC virus (Brain A), at ang noong una'y nakakainis lamang ay naging sopistikadong kagamitan ngayon ng krimen at pang-iispiya. Ilalahad sa atin ng eksperto sa seguridad ng kompyuter na si Mikko Hypponen kung paano mapapahinto ang mga bagong virus sa pagbabanta sa internet na laganap ngayon.

Matt Cutts: Sumubok ng bago sa loob ng 30 araw

TED2011

Matt Cutts: Sumubok ng bago sa loob ng 30 araw
12,215,040 views

May nais ka bang gawin, ngunit, hindi mo pa nagagawa? Payo ni Matt Cutts: Subukan ito sa loob ng 30 araw. Handog niya sa maikli at nakakatuwang talumpating ito ang bagong pananaw tungkol sa pag-abot ng mga layunin.

Daniel Tammet: Ibat-ibang paraan ng kaalaman

TED2011

Daniel Tammet: Ibat-ibang paraan ng kaalaman
2,246,769 views

Si Daniel Tammet ay may synesthesia o ibang pananaw sa wika, numero at nakikita -- ibig sabihin, ang kanyang pang-unawa sa mga salita, numero at kulay ay sama-samang hinabi sa isang bagong paraan upang makita at maunawaan ang mundo. May-akda ng "Ipinanganak sa Bughaw na Araw," si Tammet ay nagbabahagi ngayon ng kanyang sining at kaalaman sa wika- dito, sa isang sulyap sa kanyang magandang kaisipan.

Sabay na tutugtog sila Robert Gupta at Joshua Roman ng "Passacaglia"

TED2011

Sabay na tutugtog sila Robert Gupta at Joshua Roman ng "Passacaglia"
896,041 views

Isang natatanging pagsasanib ng talento ang handog nila Robert Gupta, isang biyolinista, at Joshua Roman, isang tselista, tampok ang "Passacaglia" ni Halvorsen para sa biyolin at byola. Para sa parte ng byola, gagamitin ni Roman ang kanyang tselong Stradivarius. Talagang nakamamanghang mapanood ang koneksyon ng dalawang musikerong ito (na bumawi mula sa panandaliang pagtigil sa gitna ng pagtatanghal). Kapwa TED Fellows ang dalawa, at ang kanilang malalim na ugnayan ang nagpapasiklab sa kawili-wiling duet na ito.

Ron Gutman: Ang nakatagong kapangyarihan ng ngiti

TED2011

Ron Gutman: Ang nakatagong kapangyarihan ng ngiti
5,652,656 views

Sinuri ni Ron Gutman ang mga pag-aaral tungkol sa pagngiti at kanyang ibinahagi ang ilang nakakagulat na resulta. Alam mo ba na maaring matukoy ang magiging haba ng buhay sa pamamagitan ng iyong ngiti - at ang simpleng pagngiti ay nakakaapekto sa pangkalahatang kagalingan? Simulan mo nang igalaw ang mga kalamnan sa mukha, habang nadadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa nakaka-enganyong ugaling ito.

Patricia Ryan: Huwag mong ipilit ang Ingles!

TEDxDubai

Patricia Ryan: Huwag mong ipilit ang Ingles!
2,138,668 views

Sa TEDxDubai, isang matagal nang guro sa ingles, si Patricia Ryan, ay nagtanong ng isang pamukaw na tanong: ang pagpokus ba ng mundo sa Ingles ay humahadlang sa paglaganap ng mga dakilang ideya sa ibang wika? (Halimbawa: paano kung kailangan ni Einstein na pumasa ng TOEFL?) Isa itong marubdob na pagtatanggol sa pagsasalingwika at pagbabahagi ng mga ideya.

Arianna Huffington: Paano ba magtagumpay? Damihan ang tulog

TEDWomen 2010

Arianna Huffington: Paano ba magtagumpay? Damihan ang tulog
5,209,500 views

Sa maikling talumpating ito, ibinahagi ni Arianna Huffington ang isang munting ideya na maaring pumukaw sa mas malalaking inspirasyon: ang kapangyarihang dulot ng magandang pagtulog sa gabi. Kaysa sa ipagmayabang ang kakulangan natin sa tulog, hinihikayat niya tayo na ipikit ang ating mga mata at tignan ang kabuuang larawan: Ang pagtulog ay tungo sa pagiging produktibo at masaya -- at mas matalinong pagpapasiya.

Birke Baehr: Ano ang problema sa ating sistema ng produksyon ng pagkain?

TEDxNextGenerationAsheville

Birke Baehr: Ano ang problema sa ating sistema ng produksyon ng pagkain?
2,364,826 views

Ang opinyon ng 11 taong gulang na si Birke Baehr ukol sa pinanggagalingan ng ating pagkain -- tila malayo sa ideyal na imahe ng industriya ng pagsasaka. Ani niya, ang pagsasawalang bahala sa kalagayan ng agrikultura sa kasalukuyan ay nagdudulot ng walang kamalayan, at kanyang hinihikayat ang pangangalaga ng kapaligiran at lokal na produksiyon.

Derek Sivers: Ilihim muna ang iyong mga layunin

TEDGlobal 2010

Derek Sivers: Ilihim muna ang iyong mga layunin
6,371,544 views

Tuwing tayo'y nakaka-isip ng bagong balak, madalas natin itong ibulalas sa ibang tao, ngunit sabi ni Derek Siver na mas mainam na ilihim muna natin ang mga layunin natin. Ayon sa pananaliksik na sinimulan noong 1920s pa, madalas daw na hindi natutupad ang mga ito kung ito'y ikinuwento sa iba.

Sam Harris: Kayang tugunan ng Siyensya ang mga katanungan ukol sa Moralidad

TED2010

Sam Harris: Kayang tugunan ng Siyensya ang mga katanungan ukol sa Moralidad
6,257,604 views

Ang mga katanungan ukol sa kabutihan at kasamaan, wasto at mali ay karaniwang napagiisipan na hindi matutugunan ng siyensya. Ngunit, sa argumentong ito ni Sam Harris, kanyang mapatutunayan na ang siyensya - at nararapat lamang - maging awtoridad paukol sa isyung moralidad, paghubog sa pagkataong pagpapahalaga at sa kung ano ang bumubuo sa isang mabuting pamumuhay.

Steven Cowley:  Fyusyon ang enerhiya sa hinaharap

TEDGlobal 2009

Steven Cowley: Fyusyon ang enerhiya sa hinaharap
821,041 views

Ang pisisistang si Steven Cowley ay nakatitiyak na ang fyusyon ang tanging pangmatagalang solusyon sa krisis sa enerhiya. Ipinaliwanag nya kung bakit ang fyusyon ay mangyayari – at ang mga detalye ng mga proyekto na pinagtuunan nya at ng iba pa nyang kasamahan ng halos buong buhay upang maisaganap sa mas medaling panahon ang paglikha ng bagong pagkukunan ng enerhiya.